Tanaw

tanaw ka sa layo ng iyong pagtangis.
dala ko ang bigat ng iyong pagtitig.
mapawi man ang iyong hinagpis
pansamantala lamang ang sayang nais.
uhaw na hindi man lamang mapapawi
ng iyong ngiti, isang ilusyong lumulusaw
sa mundong hanap ay paggunaw
sa iyong piling, wala ng hiling
ninanais lamang iyong pagdating.

balutin ako sa liwanag na iyong suot,
ipangko ang dalanging puno ng pag-aalilangan.
pawiin ang takot na pilit bumabalot
sa pusong tanging paghihintay ang tangan.

tanaw ko ang iyong paglayo.
walang lingong iniwan, iyong paglisan.
mawalay man ang lahat ng ako sa’yo
pangakong sa iyo’y hindi bibitawan..
mawaglit man ang alaala ko

damdaming alay ay mananatiling sa’yo.

mananatiling sa’yo.
mananatiling sa’yo.

– kay joyce


About this entry