Batibot

bumabagsak ang dilim
sa aking mga mata
habang patuloy na umiikot
ang mga sinasala na eksena
sa malikot kong imahinasyon.
dahan-dahan
ang paghuli ng mga kamay
sa naglulumikot
na paghuhumindig ng aking mundo
punong-puno ng kaba
at pagaalinlangan.

ngunit binuyo ako
ng sariling lakas,
habang patuloy sa pagragasa
ang mga sariwang gunita ng sabik
na kamunduhan.
pabilis ng pabilis
hanggang sa hindi na
makayanan ng yayat kong katawan
ang patuloy na indayog
ng labas na mundong pilit
kong sinasayawan.

sa huli,
sa pagkawala ng aking kapos
na hininga,
mula sa saglit na kabaliwan
ay paulit-ulit ang pagtalsik
ng iisang tanong –
bakit ko ‘to nagawa.



About this entry