YM.

hindi man makumbinsi
ang sariling nananabik
tuwing makikita ka’t birtwal
na mukhang tumatawa, ga’no man

kaliit sa aking harapan,
alam kong hindi ko naman
mapigil ang sariling mapangiti.
sa marami nang agam na kumabig

sa damdaming tighaw sa kasalo’t
pagtangi, halakhak kang tumutulak
sa pagsuyo’t pumupuno sa pandinig.
at sa mga sandaling iyon,
alam kong puso, kahit pansamantala –

sa saliw ng takatak ng keyboard,
puyat sa mga mata, maliliit na
kahong laman ay usapang minamagdamag
na matatapos sa ating mga ngiti –

ay hindi na nag-iisa.

– kay jen.


About this entry