Pila

ako ma’y nagtataka
sa supot na ating nakuha
kumbakit may pangalang nakalista,
siyang nag-aabot ng tulong pala.
Ngunit hindi ko na ininda,
sapagkat anak, hindi maikakaila
na hirap at sakit nati’y
sila-sila rin ang may likha.


About this entry