Isang Hapon, Matapos Umulan

oo nga’t kakatapos lang ng ulan.
basang semento, nangingitim na alikabok

 

sa babasaging bintana, malumlom
na hangin sa ilalim ng mga dahon.

 

minsan ko nang inisip kung kailan muli
uulan na kapiling ka. sa tagpong iyon,

 

hindi inda ang lamig sa kalamnan,
malinaw ang hamog ng salaminan,

 

at kung mabasa man, mawalan ng silungan,
yakap at yakap mo lang ang sa ula’y tatahan.

 

 

– repost mula sa FB, unang nailathala noong 19 Enero 2011


About this entry